dahil sa nakalulungkot na pangyayari sa taiwan, napakabagal ng internet!!! kahit dsl ambagal! ngayon nga lang ako nakapasok sa blogger e. dahil diyan, mahuhuli ang aking pagbabalik-tanaw sa 2006.
2007 na... pero hindi ako gagawa ng resolutions. bakit? kasi hindi ko natutupad pag iniisip kong resolusyon ko yun. isang example, ang "di na ako male-late". asa pa ako. hahaha. pero 2 araw na akong hindi umaabot ng 9am. ngayon nga, 8:18am ako dumating e! *masigabong palakpakan!* pero may dahilan. may presentation ako. haha, no choice. bukas din meron, kaya maaga rin ako (dapat).
bago pumasok sa opisina, inakala ko na relax lang kami. syempre, unang linggo ng taon, sino ba naman ang nagtatrabaho ng ganun kaaga?? oh well, kami pala yun.
kahapon: inasikaso ang pagtatapos ng isang report na dapat natapos bago magbakasyon. sa bahay, inayos ang presentation para sa kliyente kinabukasan.
ngayon: nagpresent sa kliyente, inasikaso ang presentation ng boss para bukas, inaasikaso ang presentation ko sa kliyente bukas.
bukas: magpepresent sa kliyente, aattend sa presentation ng boss sa kliyente, aattend mag-isa sa isang meeting sa isa pang kliyente, aattend sa isa pa ring meeting sa isa pa uling kliyente.
ang galing. relax pala ha.
pero may kapalit... apat na araw ng bakasyon uli! naka-leave ako ng january 5 at 8. dapat kasi, pupunta kami ng mga pinsan ko sa puerto galera. e walang nagtetext hanggang ngayon (pati ako, hehe). malamang hindi na yun tuloy no? okay lang, para hindi na ako gumastos. kailangan ng magtipid.
sabi nga ni hun, dapat daw wag na ako masyadong magastos. tigilan ko na raw ang pagkakape. kung sakali daw gusto kong mag-starbucks or gloria jeans, dapat dalawang beses lang sa isang buwan. pumayag ako. sabi niya, siya rin daw magtitipid na at hindi na bibili ng bagong cellphone. *hallelujah!* natuwa naman ako. :D *hug*
pero nakakatawa kasi sabi niya bumili na daw kami ng kotse. ano ba yan! hahaha. noong bakasyon kasi, nawili na akong mag-drive. may lisensya na e! designated driver tuloy ako. hahaha! enjoy pa sa ngayon. sabi ng mga batikan nang driver, nakakasawa din after a while. "give it a year," sabi ng isa. okay. basically, less than a month pa lang ako e. di ko kasi napractice noong buong taon ng 2006 kasi tinatamad akong mag-apply ng lisensya.
ang tagal naman ni arden, cause of delay lagi yun. hinihintay ko siya dahil sasabay daw siya sa taxi ko at bababa siya sa megamall. di ko pa pala nabibigyan ng christmas gift yun. siya kasi ang lagi kong kasama magshopping for gifts, siya tuloy ang nakalimutan ko. ano ba yun!
gutom nako. sa bahay na ako kakain. sana masarap ang ulam. :) lagi naman e. *palakpak tenga ni mommy* sabi ko rin pala diet nako starting january, er, 2. pero naisip ko, end-march pa naman kami pupunta sa phuket nina maia and violago so puede akong mag-start sa february. hahaha!! yahoo!
sa wakas, aalis na daw kami. kailangan ko nang tapusin ito at mag-shut down. paalam na muna sa ngayon. :)
No comments:
Post a Comment