hindi puedeng lumabag, kundi bayad ng P10. mura 'no? pero pag tatlong sunud-sunod, may additional P50. anlupet. gagamitin daw ang funds para sa engrandeng kainan.
nung una, madali lang. pink daw. ok, pink, marami ako niyan. at sumunod pa ang mga iba't ibang kulay. narealize ko bigla na marami naman pala akong damit, kahit na akala ko konti. :D meron ding wash day, kung saan kahit na ano puede mo isuot (pinakamahirap to sakin, hehe). pero pag may nakapareho kang kulay, bayad kayo ng P10 pareho.
so ok naman, madali lang. pero nang mga sumunod na mga linggo, hala! may nagsuggest na ng mga kakaiba tulad ng...
yellow top with maong jacket
ano??? er, not my style! yaiks! pinapahirapan na kasi daw walang nagbabayad halos. pero in fairness, naisip ko na meron akong maong na jacket, pero black. e material ang maong e, di naman kulay yun. :) yehey, lusot! pinagtiisan ko na lang dahil masikip na sa'kin yun e. di na nasasara hihihi. :D
tapos eto na ang mga nahirapan pa ako:
checkered - yes po, er, di ako mahilig dito, at di ito uso ngayon (or ever). hehehe
top with 4 major colors - nge! e puro plain ang aking mga tops! grr ka arden. nakalusot ako kasi sick leave ako. :D
white shirt with print - e sinuggest ng thursday e! puro casual ang mga ganito ko, so di puede dahil may ka-meetingan ako. :P
school shirt - sinuggest na naman ng tuesday. e pano yan, mukhang pambahay na ang aking stat shirt. and so nagpaalam ako kung puede jacket. pumayag! yahoo. pero di pa rin match ang aking jacket sa outfit ko nun. haha. umulan kasi kaya sinuot ko na rin.
kung may makakabasa ng nasa itaas, ok pa yun, pero ito ang pinaka-winner:
white long sleeves with necktie
mae-ah ano ba!!! naloka ako sa suggestion na ito! deliberate pa kami ni hun kung ano puede kong isuot, haha! pero gulat ever, ito ang kinalabasan! fashionistas ever! :) ka-avrilan ang nangyari! congrats to the four brave girls of goodthinking. :D
4 comments:
Myls!!! Ang saya-saya naman ng dress code sa office nyo! Love the neckties!!!
Suggestions:
1. Disney character on your outfit, e.g. Mickey Mouse necktie; Cinderella Blouse, etc.
2. Legally Blonde - ewan ko kung paano yung boys
3. Outrageous Belts - haha
Sensya na, nakialam pa. Wala lang, inggit ako eh.
hi alby! kaloka 'no?? :D o sige, susuggest ko yan. 1 suggestion per person per week lang e. :) baka magreklamo si arden sa legally blonde! hahaha!
haller ms. myls!
hahaha... ang saya saya naman ng kinalabasan ng outfit natin diba?? hehe... cutie cutie natin.. hehehe.. isip ulit ako ng kakaiba para picture picture ulit... hehe =)
Mae-Ah
ay chinachallenge mo na naman ako!!! hahaha! wow, thanks for visiting my blog. :) di ko alam kung sino mga visitors ko e. :)
Post a Comment