Wednesday, February 20, 2008

sino si dennis garcia?

noong sabado, may natanggap kaming text ng mommy ko tungkol sa isang psycho killer/ rapist na taga-rizal daw na diumano'y gumagala na sa aming lugar. ano??? katakot naman 'yan. matinik daw talaga siya, black belter, jungle survivor, dating sundalo. takot kami ni mommy, so send to brothers, dadad, and hunny agad ako. nasa cubao kami nun. bigla tuloy kaming umuwi kasi ginagabi na kami.

pagkasundo kay eric, pasok agad kami sa bahay. naiwan ko pa ang cellphone ko sa kotse, kaines. natakot akong lumabas, kaya iniwan ko na lang dun overnight. :O si pipoy, search agad sa internet. puro forums lang ang nakita niya, kaya rin namin nalaman na ang pangalan niya ay dennis garcia.

ang daming kwento, sabi, pinatay daw niya yung anak niya sa harap ng asawa niya. tapos daw yung asawa daw niya ang nagpaskil ng mga posters na may picture niya sa may rizal area. pero sa forums lang ito nakikita. walang news article. sabi rin ni hun, nakatanggap din siya ng similar text. e hindi naman siya taga-dun sa amin. hmmm...

nevertheless, takot pa rin kami. monday evening, ang aga ko umuwi. wala pang 6pm, nagtime-out na ako. haha! in fairness naman maaga ako dumating sa office. it's the new me. hehehe. masuwerte lang ako hinatid ako ni daddy. anyway, pagdating ko sa bahay, mga 630pm nun, kumpleto na kami sa bahay (except si dad na umuuwi ng t,th,sat). lahat natatakot. baka daw rape-in ang mga brothers ko ni dennis. hahaha! kakaiba kasi ang uwi ng mga ito ay alas-dose, or madaling araw na.

ang nakakatawa dun, that same night, na-news na si dennis! o diba! sabi ng pnp, HINDI DAW TOTOO ANG BALITA. natawa kami, pero ok lang, at least, it taught us to be more careful. ;) pero wag ka, sabi ng pnp,

"hindi yun totoo. ang totoong dennis garcia ay wanted para sa pagpatay."

*confusion* what the??! ang gulo diba??? and so therefore, maaga pa rin kaming umuuwi lahat. hehehe.

No comments: